Target ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na mai-deport ang mahigit isanlibong POGO workers na nasa kanilang kustodiya.
Sinabi ni PAOCC Executive Director, Undersecretary Gilbert Cruz, na ang naturang POGO workers ay kasalukuyang naka-ditine sa kanilang temporary detention facility sa Pasay City.
Idinagdag ni Cruz na ilang sa POGO workers ay dina-dialysis at ginagamot dahil sa HIV.
Aniya, sisikapin nila na ma-deport ang mga dayuhan sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, dahil karamihan sa mga ito ay walang pasaporte.
Ipinaliwanag ng PAOCC Chief na sa mga kaso ng deportees na walang passport, nakikipag-ugnayan sila sa mga Embahada upang maisyuhan ang mga dayuhan ng one-time travel document.