dzme1530.ph

ERC, nagbabala sa mas mataas na singil sa kuryente sa harap ng umiinit na temperatura

Loading

Pinaghahanda ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga consumer sa mas mataas na singil sa kuryente ngayong nagsisimula nang uminit ang panahon.

Matapos sumadsad noong Pebrero sa pinakamababa ang presyo sa spot market sa ₱2.71 per kilowatt hour, biglang tumaas ang spot prices kasabay ng pagsirit ng heat index nitong mga nakalipas na araw.

Noong March 2, umabot sa ₱6.64 per kilowatt hour ang average price sa spot market, na dumoble pa sa ₱12.15 ng sumunod na araw.

Sinabi pa ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na huwag nang asahan pa ng consumers na magkakaroon ng bawas-singil sa April billing bunsod ng mahal na presyo ng kuryente sa spot market ngayong buwan.

About The Author