Labinlimang (15) sibilyan ang nasugatan makaraang aksidenteng bumagsak ang mga bomba mula sa South Korean fighter jets sa mga bahay, sa isang live-fire drill kasama ang US forces, sa Pocheon City.
Ayon sa South Korean Air Force, walong (8) MK-82 general-purpose bombs ang abnormal na naibagsak mula sa dalawang KF-16 figther jets sa labas ng designated firing range, at tumama sa civilian infrastructure.
Inihayag ng South Korean Defense Ministry na batay sa initial findings, nagkamali ng pag-input ng bombing coordinates ang piloto kaya nangyari ang insidente.
Kabilang sa winasak ng mga pagsabog ang dalawang residential buildings, bahagi ng isang simbahan, at isang truck.