dzme1530.ph

Bahagi ng R. Magsaysay Blvd. sa Maynila, isasara para sa pagsasaayos ng drainage

Loading

Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Biyernes ang apat na araw na drainage construction activities sa bahagi ng second lane ng R. Magsaysay Boulevard – Westbound sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa social media post, inihayag ng DPWH-North Manila District Engineering Office na magsisimula ang kanilang trabaho mamayang alas-10 ng gabi hanggang sa Martes.

Nakasaad sa post na tatlong metro lamang ang maaapektuhan ng konstruksyon sa Westbound Lane, at ang natitirang bahagi ay magiging passable naman sa lahat ng uri ng mga sasakyan.

Inabisuhan ng kagawaran ang mga motorista na asahan ang pagbagal ng trapiko pagsapit sa naturang lugar.

Hinimok din ang publiko na gamitin ang ibang lanes o alternatibong ruta sa Paltok Street, Lardizabal Street, hanggang M. Dela Fuente Street.

About The Author