dzme1530.ph

Pagkilala ng poll body sa Lakas-CMD bilang dominant majority party, welcome kay HS Romualdez

Loading

Welcome kay House Speaker at Lakas-CMD President Martin Romualdez ang pagkilala ng Comelec sa kanilang partido bilang ‘dominant majority party’ sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Romualdez, hindi lang ito simpleng pagkilala sa kanilang partido bilang ‘biggest political organization’ sa Pilipinas, kundi sa pagsisikap ng team para mapaangat ang kalagayan ng bansa.

Ipinagmalaki nito na ang Lakas-CMD ay nakapag produce na ng 2 pangulo ng bansa, at malaki ang ginampanan sa pagpapalakas ng ekonomiya, national security, at paglikha ng ‘critical infrastracture”.

Saad pa ni Romualdez, ngayon na ang Bagong Pilipinas ang sentro ng ‘Administration’s vision,’ ang pagkilala sa Lakas-CMD ay nagbigay lalo ng malaking responsabilidad sa kanila.

Aniya, ang Bagong Pilipinas ay para sa ‘transformation, efficient gov’t, pagtiyak na ang ekonomiya ay nararamdaman ng ordinaryong Pilipino, at pagpapanumbalik sa tiwala ng publiko sa mga pampublikong institusyon.

Bilang dominant majority party, handa umano ang Lakas-CMD na gampanan ito.

About The Author