dzme1530.ph

Dating PSC chief, binigyan ng ibang pwesto sa gobyerno

Loading

Ililipat sa ibang opisina ng pamahalaan si dating Presidential Security Command (PSC) Commander, Major Gen. Jesus Nelson Morales.

Pahayag ito ng Palace Press Officer at Presidential Communications Office Usec., Atty. Claire Castro, matapos i-terminate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment ni Morales bilang PSC chief, epektibo kahapon.

Sinabi ni Castro na tinapos ni Pangulong Marcos ang command ni Morales sa PSC dahil binigyan ito ng panibagong duty.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang Palace official hinggil sa panibagong posisyon na ibinigay sa dating PSC Commander.

Si Morales na nagsilbing pinuno ng Presidential Security Command simula noong 2023 ay pinalitan ni Brig. Gen. Peter Burgonio.

About The Author