dzme1530.ph

Usok na nakita mula sa BRP Sierra Madre, bahagi ng fire drill, ayon sa Philippine Navy

Loading

Nilinaw ng Philippine Navy na ang usok na nakita mula sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sa West Philippine Sea ay bunsod ng fire drill.

Ipinaliwanag ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na ang isinagawang fire drill noong Feb. 28 ay bahagi ng kanilang regular operational exercises.

Sinabi ni Trinidad na ang naturang hakbang ay upang matiyak ang survivability at operational readiness ng barkong pandigma.

Una nang inakusahan ng China noong Sabado ang Pilipinas na dinudumihan ang kalikasan matapos maglabas ng footage na nagpapakita ng usok na galing sa BRP Sierra Madre.

About The Author