dzme1530.ph

Mga kawani ng gobyerno, hinimok na patuloy lang sa serbisyo publiko subalit huwag pabayaan ang kalusugan sa gitna ng tumataas na temperatura

Loading

Nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go sa mga kawani ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa bayan subalit huwag balewalain ang banta ng mataas na temperatura.

Ginawa ng chairman ng Senate Committee on Health ang paalala sa gitna ng advisories kaugnay sa mataas na heat index.

Iginiit ni Go na dapat pa ring ipakita ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko.

Kasabay nito, iginiit ni Go na hindi dapat pabayaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante at guro sa gitna ng mainit na panahon.

Kung kinakailangan anyang bumalik muna sa online classes ay ipatupad ito upang walang mga estudyante ang magkakasakit dahil sa init.

Binigyang-diin din ng senador ang pangangailangang palaging handa ang mga paaralan sa pagtugon sa anumang kaganapan na nakaaapekto sa kanilang mga estudyante.

About The Author