dzme1530.ph

BI, binigyan ng 15 araw para tukuyin kung paano nakatakas sina Alice Guo sa bansa

Loading

Binigyan ng ultimatum ni Sen. Risa Hontiveros si Immigration Commissioner Joel Anthony Viado upang tukuyin ang mga detalye ng sinasabing pagtakas noon ng grupo ni Alice Guo.

Sinabi ni Hontiveros na kung sa loob ng 15 araw ay hindi makapagbibigay ng satisfactory answers o sapat na sagot kaugnay sa isyu ay hihilingin niya ang balasahan sa ahensya.

Iginiit ng senador na napakahalaga ng trabaho ng BI kaya’t aasahan niyang gampanan nila ito sa lalong madaling panahon.

Hindi anya katanggap-tanggap na halos kalahating taon na ang nakalilipas ay wala pa ring malinaw na sagot ang BI kaugnay pagtakas nina Guo at mas nakababahala pa anya na parang kulang na kulang ang interes na hanapin ang sagot.

Hindi rin anya katanggap-tanggap na may high profile fugitive na tumakas mula sa ating bansa subalit mukhang halos nag-aabang lang ang B.I. ng sagot mula naman sa ibang bansa.

Ipinaalala pa ni Hontiveros na idineklara mismo ng Presidente na ‘heads will roll’ dahil sa pagtakas ni Guo pero sa mga sagot ng BI ay parang wala pa namang internal investigation sa kung sino ang may kasalanan at kung may katulong ba si Guo sa mga ranggo nito.

About The Author