dzme1530.ph

BI, bigo pa ring matukoy ang tunay na paraan sa pagtakas ng grupo ni Alice Guo

Loading

Dismayado si Sen. Risa Hontiveros sa hanggang ngayong kabiguan ng Bureau of Immigration na matukoy kung paano nakatakas noon ang grupo ni dismissed mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights, inamin ni BI for Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na hanggang ngayon ay wala pa silang impormasyon kung saang port nakalabas sina Guo at hindi pa rin nila matukoy ang tunay na paraan ng pagtakas nito.

Nagpahayag ng pagkainis si Hontiveros dahil apat na buwan na ang nakalilipas simula nang huli silang nagsagawa ng pagdinig kaugnay sa isyu kay Guo subalit hanggang ngayon ay walang bagong impormasyong maibahagi ang BI.

Sa opening statement kanina, sinabi ni Hontiveros na napakadami nang naglabasang mga teyorya kasama na ang pagtulong ng isang staff ng local government official ang tumulong para mapanotaryo ang affidavit ni Guo Hua Ping gayong wala naman siya sa Pilipinas.

Ang isa pa anyang nakumpirma ay nakarating si Guo Hua Ping at ang kanyang mga kasama sa Kuala Lumpur International Airport, at saka bumiyahe patungong Singapore saka nagtungong Batan, Indonesia, kung saan sila inaresto.

Nakakapag-alala anya ang mga developments na nagpapakita na tila madali lamang maglabas-masok sa bansa nang walang pagkilatis.

About The Author