Sa harap ng panibago na namang “fake news ng China” na kanila ang Palawan, umapila ang dalawang kongresista sa mga botante na piliin ang mga kandidato na pro-Pilipinas.
Ayon kina Reps. Geraldine Roman ng Bataan at Paolo Ortega ng La Union, dapat i-reject ang mga senatorial bets na nagiging mouthpiece ng China.
Hindi umano dapat maghalal ang Pilipinas ng mga lider na tinatangkilik ang China kapalit ng pambansang seguridad.
Ayon kay Ortega, masyado nang agrisibo ang Beijing sa mga aktibidad nila sa WPS, at ngayon naman ipinangangalandakan na sa kanila ang Palawan.
Nilinaw naman ni Roman na hindi siya anti-China, ang tinututulan nito ay ang aktibidad na sumasagka sa soberanya ng Pilipinas at nagdudulot ng panganib sa territorial integrity.
Hindi naman nito inaalis ang trade at diplomatic relations ng Pilipinas sa China, subalit ibang usapan aniya pagdating sa teritoryo.