dzme1530.ph

Dating ES Oscar Orbos, pamumunuan ang PTV bilang OIC

Loading

Inaasahang pamumunuan ni Oscar Orbos ang People’s Television Network (PTV) bilang Officer-in-Charge, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Ad Interim Secretary Jay Ruiz.

Ibig sabihin ay papalitan ni Orbos bilang OIC si Toby Nebrida na General Manager ng state-run television network.

Sinabi ni Ruiz na nagkausap na sila ni Orbos noong Sabado at pumayag naman ito na pansamantalang pamunuan ang PTV, subalit hindi maaaring magtagal sa posisyon dahil may edad na.

Inihayag din ng bagong kalihim na papalitan ni Orbos si Nebrida bunsod ng umano’y mga reklamo mula sa mga empleyado ng PTV.

Ang 74-na taong gulang na si Orbos ay dating nagsilbi bilang Executive Secretary, pati na Transportation and Communications Secretary sa ilalim ng administrasyon ni yumaong dating Pangulong Cory Aquino.

About The Author