dzme1530.ph

Pagpapakalat ng fake news ng China kaugnay sa Palawan, binatikos

Loading

Inalmahan ng dalawang senador ang deklarasyon sa Chinese social media platforms na ang China ang may hurisdiksyon at nagmamay-ari sa Palawan Island.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maituturing na paglabag sa ating soberanya ang baseless at inaccessible historical fiction na deklarasyon sa Chinese social media platforms.

Isa na naman anya itong distortion o pagbabaluktot ng historical truth.

Binigyang-diin ni Estrada na hindi naging bahagi ng China ang Palawan at ang pahayag sa Chinese social media ay panibagong fake news na ipinapakalat.

Mabuti na lamang anya at maagap ang National Historical Commission of the Philippines sa pag call out sa hindi kapani-paniwala at hinugot sa hangin na salaysay.

Nanawagan din si Estrada sa iba pang ahensya ng gobyerno na maging vigilante sa mga disinformation at propaganda.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na dapat ayusin na lang ng China ang kanilang lugar bago panghimasukan ang ating teritoryo.

About The Author