Inatasan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang kanilang legal team upang makipag-ugnayan na kay Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Pimentel na handa siyang pangunahan ang pagbuo ng senate rules para sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Escudero na ikinalugod at nagpapasalamat siya sa alok ni Pimentel na tumulong sa pagdraft ng rules of impeachment.
Muli namang iginiit ng senate leader na lahat ng binubuo nilang rules of impeachment, calendar at iba pa ay pawang panukala pa lamang na daraan pa sa pag-apruba sa plenaryo o pag apruba ng impeachment court.
Una rito, sinabi ni Pimentel na walang problema sa kanya kung siya man ang italaga na manguna sa pagdraft ng rules.
Sinabi ng senador na lima lang kasi silang abogado ngayon sa Senado kaya wala namang ibang mapagpipilian.
Ayon kay Pimentel, hintayin muna niya na makarating sa kanyang tanggapan ang official assignment sa kanya at saka niya ito tatalakayin sa kanyang staff.