dzme1530.ph

Lakas, katatagan ng kababaihan, kinilala ni HS Romualdez

Loading

Nakiisa si House Speaker Martin Romualdez sa paggunita ng bansa sa Women’s Month.

Binigyan pugay ni Romualdez ang lakas at katatagan ng kababaihan sa paghubog ng bansa mula sa mga ina, edukador, manggagawa, negosyante at lider ng bansa.

Aniya, bilang lider ng House of Representatives na may 306-member, hindi lamang selebrasyon sa buwan ng kababaihan ang ginugunita, kundi pagtiyak sa equal opportunities at empowering ng kababaihan sa iba’t ibang sektor.

Patuloy umanong ‘committed’ ang Kamara sa paglikha ng batas para protektahan ang women’s rights, diskriminasyon at karahasan, kasabay ng pagkilala sa kanilang ambag sa nation-building.

Saad pa ni Romualdez, marami ng naabot sa pagsusulong ng pagkaka-pantay-pantay, ngunit aminado ito na marami pang kailangan gawin para sa tunay na kapakanan ng kababaihan sa buong bansa.

About The Author