dzme1530.ph

Kaso ng hand, foot and mouth disease, lumobo ng triple sa loob ng halos 2-buwan —DOH

Loading

Triple ang itinaas ng hand, foot and mouth disease (HFMD), simula Jan. 1 hanggang Feb. 2, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa tala ng ahensya, lumobo sa 7,598 HFMD cases sa naturang panahon.

Tatlong beses ito na mas mataas kumpara sa 2,665 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.

Sa HFMD cases, 56% o 4,225 ay mga batang edad apat pababa, habang nasa 2,069 ang limang taong gulang hanggang siyam na taong gulang.

Inihayag ng DOH na ang HFMD ay nakahahawang sakit at kumakalat sa pamamagitan ng laway at contact sa virus-contaminated objects, na susundan ng paghawak sa mata, ilong, o bibig.

Bagaman karaniwang nararanasan ang sintomas ng naturang sakit sa pamamagitan ng lagnat, ubo, sipon, singaw, at mga paltos sa mga kamay at braso, ang ilang pambihirang kaso nito ay maaring magdulot ng mas malalang kondisyon, gaya ng meningitis o encephalitis, o pamamaga ng utak.

About The Author