dzme1530.ph

Mga palpak na taong sangkot sa nag-collapse na tulay, dapat papanagutin

Loading

Labis ang pagkadismaya at galit ni Senate Committee on Public Works Chairman Ramon Bong Revilla, Jr. sa insidente ng pagbagsak ng dalawang buwan pa lamang na naitatayong Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Sta. Maria, Isabela.

Sinabi ni Revilla na dapat may ulong gumulong upang mapapanagot ang mga opisyal ng gobyernong nagpabaya kaya’t humantong sa naturang insidente.

Anuman anya ang dahilan, dapat ma-blacklist ang contractor ng proyekto at parusahan.

Bukod dito, dapay din anyang ayusin ng contractor ang tulay nang walang dagdag gastusin sa taumbayan.

Idinagdag ng senador na hindi dapat nakakalusot sa DPWH ang ganitong insidente lalo pa’t pitong taong binuhusan ng pondo ng bayan, ang proyekto pero dalawang buwan pa lang ay giba na.

Hindi anya maaari ang trabahong basta na, at ang bagsak sa kalidad na kahahantungan ng mga pampublikong imprastraktura.

About The Author