Umalma si dating Senador Manny Pacquiao sa talamak na pagpapakalat na fake news sa social media kung saan may mga pagkakataon pang pinatay pa siya sa Facebook.
Sa press briefing dito sa San Jose del Monte City, Bulacan, isinalaysay ni Pacquiao na minsan ay nabasa niya mismo pagbukas niya ng Facebook na nagpapalam sa kanya dahil namatay na siya.
Ayon pa sa dating senador, ginagamit din ang kanyang pangalan ng ilang mga scammer kung saan sinabi nilang mamahagi siya ng pera, bagay na hindi naman umano totoo.
Sinabi ni Pacquiao na kung mamahagi siya ng tulong ay siya mismo ang gagawa at hindi niya idaraan kung kani-kanino.
Kaya panawagan niya kung may ko-contact na nabibigyan ng pera huwag paniwalaan.
Maging si dating Interior Secretary Benhur Abalos ay nabiktima rin ng fake news, kung saan ginamit ang kanyang account at mukha para raw sa pamamahagi ng free load.
Bukod dito, noong eleksuyon noong 2022, nagamit din ang kanyang numero para sa text blast kaugnay naman sa pamamahagi niya ng ₱5,000 kung iboboto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Abalos na dapat na talagang higpitan ang batas laban sa fake news.
Iginiit naman ni dating Senate President Tito Sotto na dapat lamang na magkaroon na ng batas na magpapataw ng parusa sa mga sangkot sa magpapakalat ng fake news upang matakot na ang marami at huwag na itong gayahin.