dzme1530.ph

Comelec at PNP, kinalampag para sa mas maigting na pagkilos laban sa mga karahasan kaugnay sa halalan

Loading

Umapela si Senador Sherwin Gatchalian sa Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang pagkilos upang mapigilan ang tumataas na insidente ng karahasang may kaugnayan sa halalan.

Ayon sa senador, ang kabiguang tugunan ang lumalalang sitwasyonay maaaring maging banta hindi lamang sa integridad ng proseso ng halalan kundi maging sa seguridad ng mga botante at kredibilidad ng resulta ng eleksyon.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang pagtatalaga ng mga lugar sa ilalim ng “red category” ay dapat may kaakibat na malinaw at konkretong hakbang pangseguridad upang maiwasan ang anumang banta sa kapayapaan at kaayusan.

Dapat anyang magkaroon ng kalayaang mangampanya ang mga kandidato at botante at ipahayag ang kanilang suporta nang walang pangamba.

Ang seguridad anya ng halalan ay hindi lang tungkol sa pagpigil sa karahasan kundi sa pangangalaga ng demokrasya at karapatan ng mamamayan na bumoto nang walang takot.

About The Author