Nanawagan si Senador Grace Poe sa mga residente ng Murcia, Negros Occidental na tulungan ang lokal na pamahalaan at ang mga animal welfare groups sa pagtugis sa nasa likod ng pananakit sa asong si Tiktok.
Matatandaaqng nagviral sa social media asong si Tiktok dahil sa mga tinamong tama ng pana sa katawan at tinalian pa ng alambre sa leeg.
Mariing kinondena ni Poe ang tinawag niyang barbaric act o kalupitan sa isang inosenteng hayop na walang kalaban-laban.
Umapela si Poe na tumulong ang residente sa paghahanap sa salarin na nanakit kay Tiktok at matiyak na mapapanagot ito sa batas.
Umaasa ang mambabatas na ang nakakabahalang insidenteng ito ay maging hudyat na para maipasa ngayong 19th Congress ang revised Animal Welfare Act sa Senado para mas mabigyan ng ngipin ang batas kung saan aatasan ang mga barangay na mas maging responsive sa mga kaso ng animal cruelty at neglect sa kanilang nasasakupan.