dzme1530.ph

Pag-inspeksyon sa cold storage facilities, ipinag-utos ng DA upang maiwasan ang manipulasyon sa presyo ng sibuyas

Loading

Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Bureau of Plant Industry (BPI) na inspeksyunin ang cold storage facilities ng mga sibuyas upang mapigilan ang hoarding at price manipulation.

Ginawa ni Tiu Laurel ang direktiba sa gitna ng mga pangamba na posibleng hindi umabot sa merkado ang mga bagong aning sibuyas.

Binigyang diin ng Kalihim na ang pag-iimbak ng mga aning sibuyas sa pagsisimula ng harvest season ay maituturing na “hoarding.”

Idinagdag ni Tiu Laurel na ang pag-iimbak ng mga ani, ay dapat gawin sa kalagitnaan o pagtatapos ng harvest season.

Inihayag ng DA chief na malalaman niya kung may nagtatago ng mga sibuyas sa cold storage facilities, bukas o sa Huwebes.

About The Author