dzme1530.ph

Moon sighting, itinakda sa Feb. 28 upang matukoy ang pagsisimula ng Ramadan

Loading

Itinakda ang moon sighting sa Biyernes, Feb. 28, sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang matukoy ang pagsisimula ng Ramadan.

Ayon sa BARMM Local Government Unit, ang pagsilip sa buwan ay pangungunahan ni Bangsamoro Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani.

Ang pagsisimula ng Ramadan ay ina-anunsyo kapag nagpakita ang first quarter ng bagong buwan.

Nagpupulong taon-taon ang religious scholars upang matukoy ang eksaktong petsa, na maaaring maiba sa bawat bansa.

Inihayag ng BARMM LGU na naghahanda na ang Bangsamoro Community para sa Ramadan na sagradong buwan ng pag-aayuno at pagdarasal ng mga muslim.

About The Author