dzme1530.ph

Desisyon sa usapin sa impeachment proceedings vs VP Sara, ipinauubaya sa lider ng Senado

Loading

Ipinauubaya ni Senador Robin Padilla sa pasya ni Senate President Chiz Escudero ang usapin sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ng Pangulo ng PDP-LABAN nasa pagpapasya ng kanilang lider sa Mataas na Kapulungan ang magiging hakbangin nila sa pagko-convene ng impeachment court sa gitna ng iba’t ibang petisyon hinggil dito.

Kaugnay nito, hihilingin naman ni Padilla kay Escudero na makapagbigay sila ng mungkahi tungkol sa impeachment rules.

Sang-ayon ang senador na amyendahan ang senate impeachment rules lalo’t masyado nang matagal o hindi na updated ang mga nakalatag noon pa na alituntunin sa paglilitis ng impeachment.

About The Author