dzme1530.ph

Transport group, humirit ng pansamantalang taas pasahe sa jeepney

Loading

Umapela ang grupo ng transportasyon ng pansamantalang umento sa minimum na pasahe sa jeep habang nakabinbin ang kanilang petisyon na fare hike sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Hiniling ng Alliance of Transport Operators’ & Drivers’ Association of the Philippines (ALTODAP) na magpatupad ng ₱1 hanggang ₱2 provisional fare hike hanggang sa bumaba ang presyo ng diesel.

Sinabi ni ALTODAP President Boy Vargas na sa sandaling bumaba na ang presyo ng diesel ay otomatik na ibabalik nila sa dati ang minimum na pasahe.

Tatlong transport groups ang naghain ng petisyon sa LTFRB para dagdagan ang minimum na pasahe sa jeep ng ₱5 at karagdagang ₱2 para sa bawat kilometro.

About The Author