dzme1530.ph

DA, hinikayat ang mga magsasaka at traders na idiretso sa mga palengke ang mga inisyal na aning sibuyas

Loading

Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at traders na dalhin ang kanilang inisyal na aning sibuyas, direkta sa mga lokal na palengke, sa halip na sa cold storage upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng produkto.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na makatutulong ito upang ma-stabilize ang presyo sa mga lokal na merkado habang hinihintay ang peak harvest season at ang pagdating “tactical” onion imports.

Inihayag ni Tiu Laurel na maaaring dalhin ng mga magsasaka at traders ang supply sa cold storage sa sandaling paparating na ang peak harvest, na unang tinaya sa huling linggo ng Marso hanggang Abril.

Una nang inaprubahan ng DA ang tinawag na “tactical” importation ng 4,000 tonelada ng pula at puting sibuyas upang punan ang supply gap ngayong Pebrero.

About The Author