dzme1530.ph

PISTON, humirit sa LTFRB na payagan ang registration ng unconsolidated jeepneys

Loading

Naghain ng petisyon ang Grupong PISTON sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para payagang makapagpa-rehistro ang unconsolidated jeepneys.

Binigyang diin ng transport group na nagsumite sila ng petisyon kahapon, para isulong ang kanilang hirit, sa gitna ng anila’y panggigipit sa kanila bunsod ng ipinatutupad na public utility vehicle (PUV) Modernization program.

Kinondena rin ng PISTON ang oil deregulation law na isinabatas 27-taon na ang nakalipas, at sinisi ito sa pagbagsak ng kita at kabuhayan ng mga driver at consumers.

About The Author