dzme1530.ph

Civil Service Commission, may bagong commissioner

Loading

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Luis Meinrado Pañgulayan bilang bagong commissioner ng Civil Service Commission.

Batay sa dokumentong inilabas ng Malakanyang, si Pañgulayan na Undersecretary sa Department of Agrarian Reform (DAR) ay hinirang na ad interim commissioner at ang kanyang termino ay mag-e-expire sa Feb. 2, 2032.

Papalitan niya sa CSC commissioner Aileen Lourdes Lizada.

Nov. 2022 nang i-appoint si Pañgulayan bilang Director sa Career Executive Service Board, na kasabay niyang hinawakan habang siya ay nagsisilbi rin sa DAR.

About The Author