dzme1530.ph

Rehabilitasyon ng EDSA kabilang ang EDSA Busway, sisimulan na sa Marso

Loading

Sisimulan na sa Marso ang rehabilitasyon ng EDSA.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni MMDA Chairman Romando Artes na kabilang sa mga aayusin ang EDSA Bus Carousel.

Gayunman, sinabi ni Artes na magiging patse-patse o by portions ang gagawing pagkukumpuni upang hindi maapektuhan ang biyahe ng EDSA buses.

Samantala, sasailalim din sa rehabilitasyon ang Guadalupe Bridge ngunit hindi ito kaagad isasara hangga’t walang nailalagay na parallel o detour bridge.

Ang rehabilitasyon sa EDSA ay sasabayan din ng pagsasaayos ng drainage system upang maiwasan ang pagbaha.

Target matapos ang EDSA rehabilitation bago ang pagho-host ng Pilipinas ng 2026 ASEAN Summit.

About The Author