Parehong bumaba ang trust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa Jan. 17 to 20 survey na kinomisyon ng Stratbase Consultancy, at nilahukan ng 1,800 registered voters sa buong bansa, bumagsak sa 50% ang “much trust” rating ni Pangulong Marcos mula sa 54% noong December 2024.
Bahagya namang tumaas sa 26% mula sa 25% ang mayroong “little trust” sa Pangulo habang umakyat sa 22% mula sa 19% ang undecided.
Samantala, bumagsak din sa 49% ang trust rating ni VP Sara noong Enero mula sa 52% noong Disyembre.
Bahagya ring tumaas sa 30% mula sa 29% ang mayroong “little trust” sa Bise Presidente habang lumobo sa 20% mula sa 17% ang undecided.