Nasa 5,000 katao ang nakilahok sa kilos protesta para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment.
Batay ito sa pagtaya ng Grupong Akbayan, kaugnay ng ikinasang rally sa EDSA People Power Monument sa Quezon City, na sinimulan kaninang umaga.
Dahil dito, isinara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang westbound lane ng White Plains Avenue sa mga motorista.
Sa advisory, mag-a-alas dose kaninang tanghali nang isara ng MMDA ang bahagi ng kalsada simula sa Gate 5 ng Camp Aguinaldo hanggang EDSA.
Nagpatupad naman zipper lane o counterflow sa kahabaan ng White Plains Avenue-Eastbound simula sa Gate 5 ng Aguinaldo upang ma-accommodate ang mga sasakyan sa magkabilang direksyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera