Itinurong sanhi ng National Economic and Development Authority ang extreme weather events, geopolitical tensions, at subdued o mahigpit na global demand, bilang sanhi ng bigong pagkakamit ng target na paglago ng ekonomiya noong 2024.
Ayon kay NEDA Usec. Rosemarie Edillon, ang mga pangyayaring ito ay naka-apekto sa iba’t ibang sektor, partikular na sa agrikultura.
Sinabi ni Edillon na ang anim na magkakasunod na bagyo noong Oktubre hanggang Nobyembre ay sumira sa maraming pananim, alagang hayop, at fisheries.
Kaugnay dito, dapat umanong tutukan ang resiliency o pagpapatatag laban sa mga hamon na tila ito nang naging “new normal”.
Ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kabilang ang paghikayat ng investments para sa paglikha ng mga dekalidad na trabaho, pagkumpleto sa mga proyekto sa imprastraktura, pagpapabilis ng business processes, pagsusulong ng free trade agreements, at pagtitiyak ng stable na suplay ng pagkain upang maiwasan ang pagtaas ng mga presyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News