dzme1530.ph

2,000 pulis, inatasang magbantay sa kilos protesta ng iba’t ibang grupo ngayong araw

Magpapakalat ang Philippine National Police ng humigit kumulang 2,000 pulis para sa kilos protesta ng iba’t ibang grupo ngayong araw.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, galing sa National Capital Region Police Office ang idedeploy na mga pulis upang tutukan ang mga lugar na pagdarausan ng protesta.

Sentro ng programa ng multi-sectoral group ang People Power Monument sa EDSA at Liwasang Bonifacio.

Layon ng kilos-protesta ang pagkondena sa lumalang kahirapan sa bansa, mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin at iba pa.

Kasama rin sa panawagan ang aksyon para sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at prosekusyon ng ICC sa ama nitong si former President Rodrigo Duterte. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author