dzme1530.ph

Panukala sa pagbuo ng professional regulatory board para sa agriculturists, lusot na sa Senado

Inaprubahan na ng Senado ang panukala hinggil sa pagsasaayos ng agricultural profession sa pamamagitan nang pagbuo ng Professional Regulatory Board para sa Agriculturists.

Sa ngayon ay wala pang batas na nagreregulate sa propesyon ng mga agriculturists.

Sa ilalim ng Senate Bill 2906, ang Professional Regulatory Board of Agriculture na iniakda ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ay bubuuin ng chairperson at 5 miyembro—na ang bawat isa ay may kakayahan hinggil sa larangan sa agrikultura.

Tulad ng ibang PRBs, ang Board ay may kapangyarihang magpahayag, mamahala at magpatupad ng mga panuntunan para sa mga registered agriculturists at mapangasiwaan ang licensure, registration, at pagsasanay ng naturang propesyon.

Para kay Revilla malaking tulong sa mga magsasaka ang mga agriculturist, kaya tama lang na suportahan sila sa pamamagitan ng pagpasa ng isang professional regulatory law.

Alinsunod sa panukala, bibigyan ng minimum base pay ang isang registered agriculturist na nagtarabaho sa national government na may salary grade 13 na katumbas ng ₱34,421.

Samantala, ang lokal na pamahalaan ay hinihimok na i-upgrade ang suweldo ng kanilang personnel.

Sa pribadong sektor naman, ang agricultural corporations ay inoobligang mag-empleyo o kunin ang serbisyo ng registered agriculturists.

About The Author