dzme1530.ph

Kai Sotto, out na sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup

Hindi makakasama si Kai Sotto sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup sa Agosto.

Ayon kay Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone, siyam na buwan ang kailangang hintayin para makarekober ang big man sa tinamo nitong injury.

Aminado si Cone na malaking kawalan ang 7-foot-3 player sa pambansang koponan subalit titingnan pa rin nila ang kanilang magagawa.

Si Sotto ay na-diagnose na may ACL injury nito lamang pagpasok ng Enero habang naglalaro sa Japan B. League.

Idinagdag ng Gilas Coach na sasailalim sa operasyon si Sotto sa unang linggo ng Pebrero at umaasa siyang mabilis itong makare-recover. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author