Pinawi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pangamba ng marami kaugnay sa pahayag ni US President Donald Trump na pansamantalang ititigil ang kanilang foreign assistance.
Sinabi ni Escudero na sa pagkakaalam niya ang direktiba ni Trump ay reviewhin at pag-aralan ng US ang kanilang mga ibinibigay na tulong sa ibang bansa.
Kaya hindi pa anya pinal ang sinasabing pagtigil ng foreign assistance at kung kasama ang Pilipinas.
Pinanghahawakan ng senate leader ang pangako ng US Secretary of State na tuloy-tuloy lamang ang pagsuporta ng Estados Unidos sa Pilipinas at pagpapanatili ng estabilidad.
Sa ngayon aniya nakatutok ang Estados Unidos sa kanilang mga internal problem bago muling tumulong sa mga kaalyadong bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News