dzme1530.ph

PBBM, priority muna ang mapauwi si Mary Jane Veloso bago ang usapin ng pagbibigay ng pardon

Priority ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mapauwi muna si Mary Jane Veloso, ang Pinay na na-convict ng drug trafficking sa Indonesia.

Ito ang tugon ng Malakanyang kaugnay ng panawagan sa Pangulo na bigyan ng pardon si Veloso upang tuluyan na itong makalaya.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, sa ngayon ay hindi pa nila masabi kung ano ang mga susunod na mangyayari sa oras na makauwi si Veloso.

Mababatid na inaasahang darating na sa bansa bukas si Veloso, matapos pumayag ng Indonesia na ilipat na ang kustodiya nito sa Pilipinas.

Kapag agad binigyan ng pardon o clemency ng Pangulo, maaaring makapiling ni Veloso ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author