dzme1530.ph

Presyo ng siling labuyo sa mga palengke, pumalo na sa ₱600 kada kilo

Lumobo na sa ₱600 kada kilo ang presyo ng siling labuyo sa mga palengke, kasunod ng pananalasa ng sunod–sunod na bagyo sa bansa, ayon sa Department of Agriculture.

Sa loob lamang ng limang linggo ay anim na mga bagyo ang tumama sa bansa.

Batay sa monitoring ng DA, nadagdagan pa ng ₱50 kada kilo ang presyo ng siling labuyo mula sa ₱550 per kilo noong nakaraang linggo.

Sinabi ng ahensya na umabot  sa ₱1.23-B ang halaga ng iniwang pinsala ng mga bagyong Kristine at Leon sa high-value crops, na sumasakop  sa 10,163 hectares. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author