dzme1530.ph

PAOCC Spokesman Winston Casio, aminado sa pagkakamali sa pananampal sa trabahador ng ni-raid na POGO sa Bataan

Aminado si Presidential Anti-Organized Crime Commission Spokesman Winston Casio sa kanyang pagkakamali sa pananampal sa isang trabahador ng ni-raid na POGO sa Bagac Bataan.

Ayon kay Casio, pinapili niya umano ang nasabing trabahador kung magsasampa siya ng kasong unjust vexation, o sasampalin niya ito.

Ang pinili umano ng suspek ay ang pagsampal.

Kaugnay dito, sinabi ni Casio na hindi niya nakontrol ang kanyang sarili sa umano’y ginawa ng suspek sa isang bata at isa niyang kaibigan na itunuturing niyang parang ate.

Tiniyak ni Casio na haharapin niya bilang isang lalaki ang imbestigasyon at mga kaukulang parusa.

Humingi na rin ito ng paumanhin dahil nabahiran pa ng isyu ang nasabing operasyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author