dzme1530.ph

Ex-Surigao del Sur 1st Dis. Rep. Pichay, sinuportahan ang mga bagong mukha ng Kampo Gugma

Ginabayan at sinamahan ni dating long-serving Surigao del Sur 1st District Rep. Prospero Butch Pichay, ang bagong henerasyon ng mga kandidatong bubuo sa kampo ng Gugma.

Kasama ang kanyang asawa na si former Cantilan Mayor Carla Pichay, muling makakatunggali ng angkan ng dating mambabatas, ang matagal na nitong political rival na si Rep. Johnny Pimentel.

Muling sasabak sa gubernatorial seat si Pimentel kung saan makakalaban niya si dating Interior Usec. Epimaco Densing III; si Carla Pichay para sa pagka-Kongresista sa ikalawang distrito ng Surigao del Sur kontra naman kay incumbent Gov. Alexander Pimentel; incumbent Marihatag Mayor Justin Marc Pelenio, laban kay First District Rep. Romeo Momo, at Fr. Ricky Lindo laban naman kay Vice Gov. Manuel Alameda, sa pagka bise gobernador.

Muling binuhay ng grupo ni Pichay ang sikat na local party name na ‘Gugma,’ o sa Ingles ay love, na layong magbigay serbisyo sa lahat (Serbisyong walay Pili).

About The Author