dzme1530.ph

Resignation ni NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo, tinanggap na ng Pangulo

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibitiw sa pwesto ni National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo.

Sa liham na ipinadala ni Executive Sec. Lucas Bersamin kay DILG. Sec Jonvic Remulla, ipinabatid ang pagtanggap ng Pangulo sa resignation ni Leonardo bilang NAPOLCOM Commissioner na kumakatawan sa law enforcement sector.

Nakasaad din na epektibo sa lalong madaling panahon ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Mababatid na nag-resign si Leonardo sa harap ng pagkakadawit sa pagpatay sa tatlong chinese drug convicts at isang dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author