dzme1530.ph

DILG Sec. Benhur Abalos, pormal nang naghain ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador

Naghain na rin ng kaniyang COC si DILG Sec. Benhur Abalos na sinabing nagdesisyon siyang tumakbo sa pagka-senador dahil batid niya na napapanahon na para mas mapalawak pa ang pagtulong sa bawat Pilipino.

Ayon kay Sec. Abalos, sakaling maupo bilang senador, maipagpapatuloy niya ang ilang proyekto ng kasalukuyang administrasyon gayundin ang mga programa na magbebenipisyo ang mga mahihirap.

Paliwanag pa kalihim, kung napaunlad niya noon ang Mandaluyong, sisikapin niya na magawa ito sa bansa sakaling manalo bilang senador.

Sa kasalukuyan, may anim na partylist group na rin ang nakapaghain ng kanilang CON-CAN. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

   

About The Author