dzme1530.ph

Dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, naghain ng kandidatura sa pagkasenador

Naghain na rin ng kaniyang Certificate of Candidacy sa pagka-senador si Ilocos Gov. Chavit Singson.

Ikatlong naghain ng COC si Gov. Chavit na tatakbo bilang independent senator kung saan sinabi niya na manalo o matalo man ay handa siyang pondohan ang mga transport groups para makakuha ng mga modern jeep.

Bukod sa Magnificent 7, nakausap na rin aniya ang dalawa pang transport group na hindi pabor sa isinasagawang PUV Modernization program at handa niya itong tulungan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

 

 

 

About The Author