dzme1530.ph

BINI, pasok sa listahan ng ‘12 Rising Girl Groups To Know Now’ ng Grammys 

Kabilang ang BINI sa Grammy Awards’ list of “12 Rising Girl Groups To Know Now,” na naka-publish sa kanilang website.

Tinawag ng recording academy ang “Nation’s Girl Group”, bilang isa sa fastest-growing music markets.

Nakasaad sa website na nakuha ng BINI ang atensyon ng Southeast Asia sa kanilang electronic dance music (EDM)-driven pop production na may pinagsamang English at Tagalog lyrics.

Tinukoy din ng recording academy ang accomplishments ng girl group, kabilang ang first Filipino act na naging bahagi ng Top Artist Global Chart ng Spotify, at unang Pinoy artists na nag-perform sa KCON festival. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author