dzme1530.ph

HONEY-YUL naghain ng (COC) sa ilalim ng lokal na partidong Asenso Manileño

Magkasabay na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) ang magka-tandem at reelectionists na “HONEY-YUL” na sina Manila Mayor Dra. Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor John Marvin ” Yul” Servo-Nieto nito lamang Huwebes, Oktubre 3, 2024.

Nabatid na bago ang paghahain ng Kandidatura nila Honey-Yul, ay sabay muna itong nag-ikot at nag martsa sa Aroceros at sa Kartilya, kasama ang kanilang partido na Asenso Manileño, at daang-daang supporters.

Ang pagtakbo nina Lacuna at Servo ay para sa kanilang ikalawang termino bilang alkalde at bise alkalde ng Maynila.

Bukod sa dalawa, naghahangad din ng re-election ang mga kaalyado nitong sina, Cong. Manny Lopez, Rolan Valeriano, Joel Chua, Irwin Tieng, at Benny Abante.

Habang papalitan naman si Cong. Edward Maceda, ng kaniyang maybahay na si Dr. Giselle, dahil tapos na nito ang kaniyang ikatlong termino.

Kinilala naman ni Mayor Lacuna ang sama-samang pagsusumikap ng kanilang partido na nagbunga ng mga programa ng Asenso Manileño na kapaki-pakinabang sa mga Manilenyo. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

   

About The Author