Mahigit 90% ng mga Pilipino ang umaasang tapos na ang pinakamalalang yugto ng Covid-19 pandemic sa bansa, batay sa survey ng Social Weather Stations.
Sa non-commissioned survey na isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 respondents mula December 10 to 14, 2022, 93% ang naniniwalang lumipas na ang pinakamatinding epekto ng pandemya habang 6% ang nagsabing hindi pa.
Bahagya itong mas mataas kumpara sa 91% noong September hanggang October 2022, at pinakamataas simula nang mag-umpisa ang pandemya noong March 2020.