dzme1530.ph

Daily Covid-19 cases, tumaas ng 19%

Muling tumaas ang daily Covid-19 cases sa bansa.

Mula Marso a-13 hanggang a-19 nasa 167 arawang bagong kaso ang naitala kung saan mas mataas ito ng 19% kung ikukumpara sa nakalipas na linggo.

Sa kabuuan, ayon sa DOH, karagdagang 1,171 cases ang kanilang naitala sa loob ng nasabing linggo.

Anim sa mga ito ay may malubhang karamdaman.

Kabilang din sa mga nadagdag ang 63 pumanaw.

About The Author