dzme1530.ph

Malakihang oil price rollback, epektibo ngayong araw; Presyo ng LPG, posibleng bumaba sa Abril

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Clean Fuel at Caltex ang price adjustment kung saan ang gasolina ay magkakaroon ng tapyas presyo na aabot SA P1.20 kada litro habang mababawasan ang diesel ng P1.85 at kerosene ng P2.00

Ganitong galaw din ang ipatutupad ng Flying V, Petron at Sea Oil na ipinatupad alas-6 kaninang umaga

Habang, epektibo lang sa gasolina at diesel ang ginawang adjustment ng PTT Philippines, Phoenix Unioil, JETTI Petroleum at Petrogas.

Samantala, inaasahan din ang price rollback sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa unang linggo ng Abril.

About The Author