dzme1530.ph

Ex-PNP chief Acorda, nag-react matapos lumabas ang mga litrato kasama ang mga personalidad na sangkot sa operasyon ng iligal na POGOs

Matapos lumabas ang mga litrato kasama ang mga personalidad na iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa hearing sa Senado, kahapon, nanindigan si dating PNP Chief Police General Benjamin Acorda na ginawa lamang niya kung ano ang makabubuti sa bansa.

Sa statement, inihayag ni Acorda na ang tanging masasabi niya ay mahal niya ang kanyang Bayan at ang PNP organization.

Matatandaang sa termino ni Acorda ay pinaigting ng PNP ang operasyon laban sa Illegal POGOs na umano’y may kinalaman sa qualified human trafficking at iba pang criminal activities.

Idinagdag ng Retired General na ginawa niya kung ano ang kinakailangan at ginampanan niya ang kanyang tungkulin bilang Police officer.

Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa Criminal Investigation and Detection Group, na alamin kung sino sa 24 na nabubuhay na dating PNP chief ang umano’y nasa payroll ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author