dzme1530.ph

PAOCC, naniniwalang palabas ng bansa ang kapatid ni Michael Yang bago naaresto

Naghihinala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na paalis ng bansa ang kapatid ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang nang mahuli ito ng mga awtoridad.

Ayon kay PAOCC Exec. Dir. Gilbert Cruz, maraming dalang pera si Yang Jian Xin, na kilala bilang Tony Yang at Antonio Lim nang dakpin sa NAIA Terminal 3 dahil sa pagiging undesirable alien.

Sinabi ni Cruz na halos ₱1.4 million ang dalang pera ni Yang, at may foreign currencies pa, bukod pa sa mga dala nitong mga gamit.

Kinumpirma rin ng PAOCC chief na bitbit din ni Yang ang Chinese passport nito.

Idinagdag ni Cruz na si yang ay binabantayan ng PAOCC kaugnay ng umano’y operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Cagayan De Oro. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author