dzme1530.ph

Ex-Iloilo City Mayor Jed Mabilog, ibinunyag ang umano’y planong isama sina Roxas at Drilon sa listahan ng drug lords

Ibinunyag ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na tinangka ring kaladkarin sa illegal drug ng Duterte administration sina former Senators Mar Roxas at Franklin Drilon.

Inilahad ni Mabilog sa House Quad Committee ang political pressure na pinagdaan nito sa nakalipas na 7-taon matapos siyang idawit sa narco-list ni former President Rodrigo Duterte.

Malinaw sa dating mayor na politically motivated ang pagkakasama niya sa narco-list dahil misyon ng Duterte administration na gibain ang lahat ng political enemies nito.

Sa affidavit nito sa Quad Comm, isang dating heneral umano ng PNP ang nagpayo sa kanya na huwag itong bumalik ng bansa dahil sa oras na mahawakan ito ng otoridad, pipilitin siyang ituro sina Roxas at Drilon na sangkot sa illegal drug.

Si Mabilog at Drilon ay magpinsan, habang si Roxas na kanyang sinuportahan ay political rival ni Duterte.

Ang listahan na tinawag nitong “hit list” ay gawa-gawa lang umano at hindi dumaan sa tamang vetting process o validation. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author